Wala kayo sa Lola Sexy ko.

Share on facebook
Share on google
Share on twitter
Share on linkedin

Whenever I think of my Lola Sexy, I can’t help but get teary-eyed. Malaking part ng kung ano ako ngayon ay dahil sa mga natutunan ko sa kanya. She inspired me to become a better person, to emulate kung paano nya inilaban ang buhay despite the challenges. At higit sa lahat, she demonstrated paano ba talaga ang genuine na pakikipagkapwa-tao.

 

Mukha na ba ‘kong nag-e-exaggerate? If you could only hear her wisdom, tips on life or talk to the people na nakipag-interact sa kanya, you would know how truly admirable and teaching my Lola Sexy is. Sa lahat ng natutunan ko sa kanya, here are 11 things na tumatatak sa akin, helping me to choose my path well and attain success in my life.

 

  1. Be a survivor.

Lola Sexy lived until her 90s. Nadaanan nya lahat ng hardships simula pa nung panahon ng Hapon. Eversince, sya na ang kumakayod at nagtataguyod sa family. She did not falter nor gave up on her responsibilities and on living. Kahit na gaano pa kahirap.

 

  1. She loves to travel

Adventurous si Lola Sexy. Mahilig sya magtravel, sa different parts ng mundo. Eto rin siguro yung namana namin sa kanya, given na sobrang dami mo rin na matutunan sa different cultures ng iba’t ibang lugar.

 

  1. Passion never dies

Ang bread and butter ni Lola Sexy ay magturo ng piano. Naging passion nya na yun, to the point where stopping her doing that will cripple her. Wala sa vocabulary nya ang magstop. It is her way of saying, don’t give up on something that you really want to do.

 

 

  1. Discipline is the key

Kapag nalate ka ng uwi, lagot ka. Kahit di ka pa natulog pag pinapatulog ka, lagot ka rin. These little things add up to train us, to teach us discipline. Nagsimula sa malilit na bagay, hanggang sa mga malalaki na fundamental sa pagsucceed sa buhay. It was tough, but Lola Sexy did these for us to learn.

 

  1. Tough Love

Lola sexy will tell straight to your face kapag mali ka. Di sya yung tipo na ii-spoil ka. She will recognize you when you did good. Sakto lang. Balanced. Para you know the difference between doing good and doing wrong.

 

  1. Blend to whoever she speaks with

Magaling makisama si Lola sexy. Kahit sino kaya nya kausapin. Kung mayaman, kaya nya. Kung average na tao, kaya nya rin. You will not feel awkward talking to her, kahit malayo yung agwat ng edad or estado sa buhay.

 

  1. Story-telling

Makuwento si Lola Sexy, kadalasan pa nga sya ang bangka. Di rin sya nauubusan ng kwento. Ang maganda dun, sa mga kwento nya, lagi kang may matutunan.

 

  1. Builds rapport/relationship and connect

Lola Sexy is really well in connecting with people. Love na love sya ng mga students nya. At yung ibang friends nya, gusto talaga kasama sya, minsan to the point na free na yung airfare nya para makasama sya.

 

  1. Talking never gets old

Walang kyeme si Lola Sexy na makipag-usap at mag-share. Game sya lagi. Nagtetext din sya at active sa social media. Willing sya matuto. At willing na willing sya magpaturo.

 

  1. Age is just a number

At age 85, nag-parasailing pa si Lola Sexy sa Bora. Umakyat din sya ng bundok. 3000 steps yun, pero kaya nya pa rin. Wala sa edad kung may gusto ka gawin.

 

  1. Family first

Lola Sexy is always there for the family especially when it is needed the most. Inuuna nya talaga. Kaya ngayon successful lahat. Happy na happy sya and looking forward na kahit yung mga grandchildren nya will be successful as well.

 

I miss her but I know heaven has one more angel because of Lola Sexy. Her memories will not be forgotten, kasi yung mga life lessons na itinuro nya samin, kami mismo, ang success namin, ng mga apo nya, ng family, yun ang magiging legacy nya.

 

Ano ang nag-strike sayo na lesson ni Lola Sexy? Like and share.

Billy de la Fuente

Billy de la Fuente

Billy is an entrepreneur, motivational speaker and Co-Founder of XTRM1-11. His passion is to teach others and help them unlock their potential.

Follow Billy on social media

Leave a Reply

About Billy de la Fuente

Billy is an entrepreneur, motivational speaker and Co-Founder of XTRM1-11. His passion is to teach others and help them unlock their potential.

Follow Billy on social Media:

Recent Posts

Follow Me

BillyVerse Videos

Subscribe to #ProjectBillyonaire